Motorcycle rider na biktima ng hit and run sa Quezon City, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

by Radyo La Verdad | January 16, 2017 (Monday) | 1143

macky_tmbb
Isang tawag ang natanggap ng UNTV News and Rescue Team noong Sabado ng madaling araw mula sa 911-NCR kaugnay sa isang motorcycle accident sa EDSA North Avenue, Quezon City.

Mabilis naman itong nirespondehan ng grupo.

Naabutan pa ng UNTV News and Rescue ang isang lalake na nakahandusay sa kalsada matapos mabiktima ng hit and run.

Kinilala itong si Angeles Echalas, residente ng Barangay Alonzo, Quezon City.

Agad namang nilapatan ng grupo ng pangunang lunas ang mga tinamo nitong sugat sa kaliwang binti at ulo dahil hindi ito nakasuot ng helmet.

Sa inisyal na imbestigasyon ng otoridad, mabilis umano ang takbo ng motorsiklong sinasakyan ng biktima nnag mahagip ito ng isang L-300 van.

Matapos mabigyan ng first-aid ang biktima, agad na itong dinala sa pinakamalapit na ospital para sa iba pang karagdagan atensyong medikal.

(Macky Libradilla / UNTV Correspondent)

Tags: ,