Motorcycle accident sa Quezon City, nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team

by Radyo La Verdad | September 14, 2016 (Wednesday) | 1630

tmbb-reynante
Sugatan ang dalawang lalaki matapos tumilapon sa kanilang sinasakyang motorsiklo sa Batasan Hills Tunnel sa Quezon City kahapon.

Nilapatan ng pang-unang lunas ng UNTV News and Rescue Team at Barangay Batasan Rescue ang dalawang nasugatan na sina Marvin Amata at Branden Gaddi na nagtamo ng sugat at gasgas sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Ayon sa mga tauhan ng Barangay Batasan Hills na unang rumisponde sa lugar papauwi na sana ang mga biktima sa kanilang tahanan sa Barangay San Antonio nang mawalan ng kontrol ang minanamenho nitong motorsiklo dahil sa madulas na kalsada.

Pagkapos malapatan ng pang-unang lunas ay dinala na nang Brgy.Batasan Hills Rescue ang mga biktima sa East Avenue Medical Center.

(Reynante Ponte/UNTV Radio)

Tags: