Motorcycle accident sa Batasan, Quezon City, nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team

by Radyo La Verdad | September 13, 2016 (Tuesday) | 2049

reynante_tmbb
Sugatan ang dalawang lalaki matapos tumilapon sa kanilang sinasakyang motorsiklo sa Batasan Hills tunnel sa Quezon City kaninang alas dose ng hating gabi.

Kapwa nilapatan ng pangunang lunas ng UNTV News and Rescue Team at Barangay Batasan Rescue ang dalawang nasugatan na sina Marvin Amata at Branden Gaddi na nagtamo ng sugat at gasgas sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Ayon sa mga tauhan ng Barangay Batasan Hills na unang rumisponde sa lugar papauwi na sana ang mga biktima sa kanilang tahanan sa Barangay San Antonio nang mawalan ng kontrol ang minanamenho nitong motorsiklo nang dumulas ang gulong nito sa kalsada.

Dagdag din nila na nasa impluwensya ng alak ang mga biktima dahil galing umano ang mga ito sa isang kasiyahan sa kanilang mga kaibigan.

Pagkapos malapatan ng pangunang lunas ay dinala na nang first responder ng Brgy.Batasan Hills Rescue ang mga biktima sa East Avenue Medical Center.

(Reynante Ponte / UNTV Correspondent)

Tags: , ,