Motorcycle accident sa Angeles Pampanga, nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team

by Radyo La Verdad | November 30, 2016 (Wednesday) | 1057

joshua_tmbb
Nagtamo ng gasgas sa magkabilang kamay at paa ang isang motorcycle rider matapos mabangga ng isang kotse sa Barangay Lourdes, Angeles City, Pampanga kaninang alas dose ng madaling araw.

Kinilala ang biktima na si Alvin Rodriguez, 37 anyos.

Inassess ng UNTV News and Rescue Team ang sitwasyon ni Alvin at binigyan ng pangunang lunas.

Matapos malapatan ng first aid ang biktima ay dinala ito sa Ospital ning Angeles.

Ayon sa driver ng kotse, paliko na ito sa isang kanto nang bigla umanong sumingit ang motorsiklo ng biktima kaya nabangga ito.

Ayon sa PNP Angeles City, nagkaayos na lamang ang magkabilang panig at sasagutin na lamang ng driver ng kotse ang gagastusin sa pagpapa-ospital ni Alvin.

(Joshua Antonio / UNTV Correspondent)

Tags: ,