Motion to travel ni Senator JV Ejercito, pinayagan ng Sandiganbayan

by Radyo La Verdad | October 18, 2016 (Tuesday) | 1044

JOYCE_JV-EJERCITO
Pinagbigyan ng Sandiganbayan 5th division ang motion to travel ni Senator JV Ejercito papuntang Japan.

Ang senador ay kasama sa delagasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa nalalapit nitong pagbisita sa nasabing bansa.

Ito na ang ikalawang pagkakataon na pinayagan ng Sandiganbayan si Senator Ejercito na makalabas ng bansa, ang una ay ang kanyang biyahe papuntang Hongkong noong October 14 to 16.

Si Senator JV ay nahaharap sa kasong graft at malversation dahil sa umano’y maanomalyang pagbili ng high powered firearms noong siya pa ay alkalde ng San Juan.

Tags: ,