Moratorium sa pag-angkat ng recyclable waste, ilalabas ng DENR

by Radyo La Verdad | August 12, 2019 (Monday) | 2380
PHOTO: Metro Clark Waste Management Corp.

Pansamantalang ipahihinto ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang pag-angkat ng basura sa bansa.

Ayon kay Department of Environment and Natural Resources O DENR Undersecreraty Benny Antiporda, tatagal ang moratorium ng hanggang 3 buwan habang sinururi pa ng kagawaran ang umiiral na proseso at pamantayan ng importasyon nito.

Nais ng kagawaran na huwag nang maulit ang pagpasok ng mga basura gaya ng galing sa Canada at Korea.

Imumungkahi naman ni Antiporda na magkaroon ng 3 milyong pisong cash bond ang mga kumpanyang magaangkat ng mga recyclable waste bago sila bigyan ng permit para may panggastos kung sakali mang magkaproblema ang kargamento.

Ayon kay Usec. Benny Antiporda ng DENR, “lugi ang bansa diyan dahil ang tagal naka stock diyan sa atin kung saan merong mga dapat bayaran na hindi na nabayaran.”

Posible namang payagan ang pag-aangkat ng mga 2nd hand na mga electronic applicance kung ito ay walang halong patapon na basura.

Dagdag pa ni Usec Benny Antiporda, “kapag yan ay contaminated yan ay waste na. Hindi na siya recyclables.”

Sa panahon ng moratorium ay magiinspeksyon ang DENR kung may recyling plant nga ang mga kumpanyang nagaangkat ng basura.

Tags: ,