MMDA, pinaigting ang kampanya vs jaywalkers at litterbugs

by Radyo La Verdad | October 4, 2016 (Tuesday) | 1196

mmda-logo
Nagpalakat na ng tatlong daang tauhan ang Metropolitan Manila Development Authority na manghuhuli ng jaywalkers at litterbugs.

Kabilang sa mga babantayan nila ng EDSA mula Monumento, North Avenue, Quezon Avenue, Cubao, Ortigas, Shaw Blvd, Guadalupe at Taft Avenue.

Ang sinumang mahuhuling nagkakalat at tumatawid sa hindi tamang tawiran ay pagmumultahin ng limang daang piso o paglilinisin ng mga estero sa loob ng tatlong araw.

Tags: , ,