Hinatak ng Metropolitan Manila Development Authority ang mga sasakyang nakaparada sa Mabuhay Lane 1 sa West Avenue at Timog Avenue kaninang umaga. Ayon sa MMDA, bahagi ito ng maaga nilang paghahanda sa paparating na holiday season.
Binaklas din ng MMDA ang mga nakahambalang na extension ng mga tindahan para mapaluwag ang kalye.
Nanawagan rin ang MMDA sa publiko nang kooperasyon at pang-unawa sa kanilang ginagawang paglilinis sa mga nakakasagabal sa mga pangunahing lansangan na nagiging dahilan ng masikip na trapik.
Tags: clearing operation, Mabuhay Lane 1, MMDA