MMDA, nagsagawa ng clearing operation sa Buendia Avenue

by Radyo La Verdad | January 25, 2017 (Wednesday) | 1353

mmda-logo
Nagsagawa muli ng clearing operation ang mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority sa Buendia Avenue kaninang umaga.

Pinaalis ang mga iligal vendors at hinatak ang mga sasakyang nakaparada sa mga bangketa na nagdudulot umano ng pagsikip ng daloy ng trapiko sa lugar.

Sinubukan pang maki-usap ang ilang may-ari at driver ng mga nahatak na sasakyan ngunit hindi sila pinagbigyan ng MMDA.

Tags: ,