Mas naging makulay ang Planet Hollywood sa Las Vegas kagabi dahil sa kickoff ng Miss Universe 2017dahil sa National Costume Pre-Pageant Activity.
Iba’t-ibang disenyo ng kasuutan ang tinaglay ng mga contestants bilang representasyon ng kanilang bansa. Kabilang na dito si Miss Philippines Rachel Peters na maaga pa lamang ng kumpetisyon ay naging crowd favorite na.
Suot nito ang kaniyang golden sarimanok costume na likha ni Val Tagubas. Tawag pansin ang gintong head piece ni Miss Philippines na sarimanok na nagpapakita ng Southern Philippine Art.
Ang gintong skirt naman ayon kay Tagubas ay simbolo ng good fortune para sa mga katutubong Pilipino sa Katimugan. Ang kaniyang matching gladiator sandals ay gawa naman ng shoemaker na si Jojo Bagais.
Si Tagubas din ang nagdesenyo ng gown na susuutin ni Rachel sa preliminaries sa Lunes ng gabi sa Las Vegas, maging ang kaniyang susuutin sa pageant night.
Ngayong araw ay kasalukuyang ginaganap ang isang charity event ng mga kandidata, kung saan nagdedesenyo sila ng mga handheld na mga salamin para sa mga batang nabigyan ng libreng operasyon para sa kanilang cleft lips.
Sa November 26 gaganapin ang coronation night ng Miss Universe at inaasahang dadagsang muli ang mga kababayang Pilipino upang suportahan si Rachel sa kampanyang maibalik sa Pilipinas ang korona ng Miss Universe.
( Kath Canlas / UNTV Correspondent )
Tags: 66th Miss Universe Competition, crowd favorite, Rachel Peters