Militar, kakatulungin ni Pangulong Duterte sa internal cleansing sa PNP

by Radyo La Verdad | February 1, 2017 (Wednesday) | 1703


Kakatulungin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Armed Forces of the Philippines upang resolbahin ang suliranin ng pulisya sa katiwalian.

Ginawa ng pangulo ang pahayag nang pangunahan nito ang panunumpa ng animnaput anim na bagong talagang opisyal at flag officers ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas kahapon.
Ito ay kasunod ng kinakaharap ngayong kontrobersiya ng Pambansang Pulisya matapos masangkot ang ilang kawani nito sa kaso ni South Korean Businessman Jee Ick Joo na dinukot at pinaslang sa loob mismo ng Camp Crame.

Samantala, inatasan na rin ni Pangulong Duterte si Presidential Chief Legal Counsel Atty. Salvador Panelo na pumunta ng South Korea upang ipaabot ang paghingi ng paumanhin ng pamahalaan ng Pilipinas hinggil sa sinapit ng kanilang kababayan.

Tags: ,