Militar, handa na sa mas matinding opensiba laban sa NPA

by Radyo La Verdad | July 26, 2017 (Wednesday) | 1569


Naka offensive mode na ngayon ang militar laban sa rebeldeng New Peoples Army.

Ito’y matapos na magdesisyon ang pangulo na huwag nang kausapin ang mga komunista kasunod ng pag atake at patuloy na extortion activities ng mga ito.

Ayon kay AFP Spokesperson Brig. Gen. Restituto Padilla, naibaba na sa mga sundalo sa grounds ang kautusan na simulan na ang opensiba laban sa NPA.

Sinabi pa nito na asahan nang magiging magulo sa mga lugar kung saan maraming pwersa ng mga rebelde.

Tiniyak naman ni Padilla na walang madadamay na sibilyan sa muling pagsiklab ng bakbakan sa pagitan ng militar at NPA.

Hiling ng AFP sa komunidad makipagtulungan sa mga militar, maging alerto, mapagmatyag at makipag ugnayan agad sa kanila kung may nalalamang presensya ng armadong grupo sa kanilang lugar.

(Lea Ylagan/ UNTV Correspondent)

Tags: , ,