MILF report: War crime, nagawa sa Mamasapano Encounter; ilang sangkot na tauhan, nakitaan rin ng paglabag

by monaliza | March 19, 2015 (Thursday) | 2485

IMAGE__FEB102013__UNTV-News__PHOTOVILLE-International_Ritchie-Tongo_Benigno-Aquino-III_Sajahatra-Bangsamoro

Nagbigay ng ‘preview’ ang MILF sa kanilang investigation report hinggil sa nangyaring engkuwentro sa Mamasapano.

Ayon kay MILF Chairman Al-Haj Murad Ebrahim, may nakita silang indikasyon ng war crime sa Mamasapano lalo na ng patayin umano ng SAF survivor ang apat na Muslim na natutulog sa isang Mosque malapit sa encounter site.

Nakitaan rin umano ng paglabag ang ilan nilang tauhang sangkot sa engkuwentro pero iginiit na hindi isusuko ang mga ito sa justice system ng gobyerno kundi parurusahan sa ilalim ng MILF regulations, batay sa probisyon ng ceasefire deal.

Kasama rin sa imbestigasyon nila ang kumalat video ng isang SAF commando na binaril nang malapitan at ayon kay Murad, hindi nila tauhan ang gumawa nito dahil nag-withdraw na umano sa lugar ang kanilang puwersa at maaaring nakapasok ang ibang armed group.

Sinabi rin ni Murad na marami sa SAF ang nagtamo ng close range injuries dahil magkalapit lang ang distansya ng engkuwentro.

Ginamit rin umano bilang body shield ng nakaligtas na SAF commando ang mga nasawi nilang kasamahan kaya marami itong tama ng bala.

Tags: , ,