MILF chief negotiator Mohagher Iqbal, no show sa Mamasapano probe ng Kamara

by dennis | April 7, 2015 (Tuesday) | 1584
File photo

File photo

Hindi dumalo sa joint hearing ng Kamara si Moro Islamic Liberation Front chief negotiator Mohagher Iqbal kaugnay sa Mamasapano incident.

Sa halip na dumalo sa pagdinig, kasama nito si Government peace panel chair Prof. Miriam Coronel Ferrer sa FOCAP forum kaninang umaga.

Sa pagpapatuloy ng pagdinig, kinastigo ni Rep. Celso Lobregat ang hindi pa rin pagsipot ni Iqbal gayong lumabas na ang imbestigasyon ng MILF, maging ng Board of Inquiry (BOI) at Senado.

Binanggit ni Committee on Peace, Reconciliation and Unity Chairperson Rep. Jim Hataman-Salliman na inimbita nila si Iqbal ngunit hindi ito tumugon sa imbitasyon at hindi rin ito nagpadala ng representante.

Tags: , , , ,