Handang imbestigahan ng Moro Islamic Liberation Front kung totoong alam ng ilan sa MILF commanders ang kinaroroonan ng napatay na si Marwan at kung bakit di nila ito ipinagbigay alam sa MILF Central Committee.
Kung sakaling mapatunayang ginawa ito ng kanilang ibang miyembro, maaari silang masuspinde o humarap sa iba pang penalty.
“if the result of our meeting with them is that they are guilty, we may impose discipline against them as we did before. We might suspend them because in the past we’ve suspended commanders for violating policies. We might do that again, but we must know first from them whether they really violated something which call for the suspension.” pahayag ni MILF Vice Chairman Ghazali Jaafar
Matatadaang hindi naisama sa report na isinumite ng MILF sa Senado at International Monitoring Team ang impormasyon ukol sa mga MILF commanders na maaaring nakakaalam na nasa Mamasapano si Marwan bago pa ang January 25 operations.
Tags: International Monitoring Team, MILF Vice Chairman Ghazali Jaafar, Senado