Mike Tyson, dinaluhan ang weigh-in ceremony para sa IBF flyweight title fight

by Radyo La Verdad | May 26, 2016 (Thursday) | 847

MIKE-TYSON
Tampok sa weigh-in para sa IBF flyweight title fight nina Pilipino Boxer Johnreil Casimero at Amnat Ruenroeng ng Thailand ang dalawang icons.

Ang mga ito ay ang Great Wall of China at former heavyweight World Champion Mike Tyson.

Si Tyson, hawak ang record na pinakabatang boksingero na napagwagihan ang WBC, WBA at IBC heavyweight title ay inakyat ang great wall bago nagtungo sa weigh-in.

Ang laban nina Casimiro at Thai boxer ay bahagi ng serye ng mga event sa pagdaraos ng IBF convention sa China ngayong linggo.

Si Tyson ay itinalagang Charity Ambassador ng IBF China at nag-donate ng one hundred thousand yuan o katumbas ng 15 thousand two hundred sixty dollar sa isang skills training female school.

Gaganapin ang sagupaan nina Casimiro at Amnat sa tennis-oriented Diamong Court sa Beijing.

(UNTV NEWS)

Tags: