Mike Hanopol at Darius Razon, binisita ang Radyo La Verdad Mobile Booth

by Radyo La Verdad | June 3, 2017 (Saturday) | 2530

Ipinarinig muli nina Mike Hanopol at Darius Razon ang kanilang mga awiting tumatak sa mga mahilig sa musika noong dekada setenta nang dumalaw sila sa programang Sa Likod ng Isang Awit ng Radyo La Verdad 1350.

Si Mike Hanopol na tinaguriang isa sa mga Filipino rock icon singers, gitarista, compositor at recording artist ay nagpa-unlak ng panayam sa programa noong nakaraang buwan sakay ng Radyo La Verdad Mobile booth. At doon habang umaadar ang radio moblie booth, kinanta niya ang kaniyang mga awitin na, Mr. Kenkoy, Balong Malalim, No Touch at ang kanyang signature song na, Laki sa Layaw, (Jeproks).

Bawat kanta na kanyang inawit ay ikinukwento niya ang istorya ng nasa likod nito.

Ibinahagi rin niya ang ilan sa kaniyang mga paraan ng pagsusulat ng letra sa kanta. Ayon sa kanya hindi siya paulit-ulit sa paggamit ng kahulugan ng salita na magkasama sa isang verse ng kanta. Ganun daw ang mga compositor, may kani-kaniyang paraan sa pag-compose ng awitin.

Nitong linggo naman ay nagpa-unlak ng panayam sa programang Sa Likod ng isang Awit si Darius Razon.

Pinuntahan siya mismo ng Radyo La Verdad Mobile Booth sa kanyang tirahan sa Mandaluyong City at doon ay iniikot siya nito habang kinakapayam at umaawit ng mga kanta niyang sumikat noon na hanggang ngayon ay inaawit ng kanyang mga fans.

Inawit niya ng live on air ang ilan sa kanyang mga recorded tracks, at isa rito ay ang, Everybody Knows.

Si Darius Razon din ang nagpasikat ng kantang, Ang Bakya ni Neneng na hanggang sa ngayon ay alam awitin ng mga mahilig makinig ng magagandang musika sa radyo.

Habang lulan naman siya ng Radyo La Verdad Mobile Booth ay nagkakawayan sa kanya ang mga tao sa kanilang lugar sa Mandulyong dahil maliban sa siya ay kilala nilang singer noong dekada setenta at artista, siya ay naglingkod sa siyudad nila bilang councilor sa loob ng labing dalawang taon.

Ang programang Sa Likod ng Isang Awit ay konsepto ni Kuya Daniel Razon sa Radyo La Verdad 1350 upang dito ay iparinig ang mga awitin mulasa dekada singkweta hanggang setenta kasama ang pagsuporta sa OPM.

Mapakikinggan ang programang Sa Likod ng Isang Awit sa Radyo La Verdad 1350 mula Lunes hanggang Biyernes tuwing alas dose ng tanghali.

Ginagamit ng programa ang isang sasakyan kung saan doon kinakapanayam at umaawit ng live on-air ang mga imbitadong mang-aawit na kosepto ni Kuya Daniel Razon, ang Radyo La Verdad Mobile Booth.

Tags: