METRO MANILA, Philippines – Hinikayat ng Department of Transportation (DOTr) ang publiko na isumbong sa kanila ang mga jeepney driver na patuloy pa ring naniningil ng ₱10 minimum na pamasahe.
Kasunod ito ng maraming reklamong natatanggap ng DOTr kaugnay sa hindi pagsunod ng mga driver sa ₱9 minimum fare.
Matatandaang una nang nagpatupad ng ₱1 provisional fare rollback sa jeep ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) dahil sa patuloy na pagbaba ng presyo ng produktong petrolyo..
Maaring i-text sa LTFRB ang plate number ng abusadong jeepney driver sa pamamagitan ng hotline ng ahensya na 0917-550-1342 at 0998-550-1342.
Tags: Department of Transportation, DOTr, Land Transportation Franchising and Regulatory Board, LTFRB, minimum fare, ₱9 minimum fare