Mga tricycle driver sa Nueva Ecija, hinikayat na makiisa sa Alkansya program

by Radyo La Verdad | August 27, 2018 (Monday) | 5524

Hinikayat ng Social Security System (SSS) ang mga tricyle driver sa Nueva Ecija na makiisa sa kanilang programa na Alkansya program.

Sa pamamagitan nito, mas madali silang makasasali sa SSS ng hindi nabibigatan sa paghuhulog ng buwanang kontribusyon.

Positibo naman ng naging pagtugon ng nasa pitumpong leader ng iba’t-ibang samahan ng tricycle driver at operator sa Nueva Ecija.

Kasama sa ipinaunawa sa mga tricycle driver at operator ang mga benipisyong maari nilang makuha sa pagsali sa Alkansya program ng SSS tulad ng sickness, maternity, disability, retirement, funeral benifits at death claim.

Umaasa ang SSS na makikiisa ang mahigit dalawampu’t tatlong libo na namamasadang tricycle driver sa Nueva Ecija.

 

( Danny Munar / UNTV Correspondent )

Tags: , ,