Mga taxi sa India, paintings ang interior design

by Radyo La Verdad | February 25, 2016 (Thursday) | 992

INDIA
Kakaibang mga interior designs ng taxi ang tampok sa India, dahil sa halip na karaniwang tela ang gamit sa mga upuan at pader ng taxi, paintings ang disenyo ng mga ito.

Ang proyektong ito ay inilunsad ng Taxi Fabric, isang mumbai-based design company.

Ang disenyo ay gawa ng mga local artists sa India.

Bukod sa maganda itong tignan, layunin rin ng proyekto na maipakita at linangin ang galing ng mga pintor sa kanilang lugar.

(UNTV RADIO)

Tags: ,