Mga tauhan ng NCRPO raid at Bulacan PPO pinagpaliwanag na ng PNP Internal Affairs Service sa muntikang engkwentro sa Bulacan

by Radyo La Verdad | June 29, 2016 (Wednesday) | 1198

Atty.-Shella-Castillo.jpg-2
Pinagpaliwanag na ng PNP Internal Affairs Service ang mga tauhan ng National Capital Region Police Office Regional Anti Illegal Drugs at Bulacan Provincial Police Office kaugnay ng kanilang muntikang engkwentro sa Baliuag Bulacan.

Ayon kay Atty. Shella Castillo, nagsumite na ang mga ito ng kanilang mga statement kaya naman on going na ang kanilang imbestigasyon.

Sinabi pa nito na minamadali nila ang imbestigasyon upang malaman kung sino ang mga ito ang lumabag sa operation protocol.

“Both parties submitted their statements and we are not allowed to divulge yet kasi raw pa yung data natin.”
Pahayag ni Castillo.

June 22 nang mahuli sa checkpoint ng Baliuag Police ang ilang myembro ng NCRPO at ilang civilian assets umano ng mga ito kung saan sampung kilo ng shabu ang nakuha sa sasakyan ng mga ito

(Lea Ylagan/UNTV Radio)

Tags: ,