Mga tagasuporta ng mga tatakbo sa 2019 midterm elections, inaasahang dadagsa pa rin sa Comelec

by Radyo La Verdad | October 12, 2018 (Friday) | 2564

Ngayon ang ikalawang araw ng pagsumite ng certificate of candidacy (COC).

Patuloy pa rin naka-deploy ang mga pulis para panatilihin ang kaayusan at katahimikan sa labas ng Palacio Del Gobernador, Intramuros, Manila.

Maliban sa pagdating ni relectionist Senator Nancy Binay, inaasahan ang pagdating ng iba pang magsusumite ng COC para sa pagka-senador gaya nila BuCor Chief Bato Dela Rosa at Monsour Del Rosario.

Nagfile rin ng COC sina Representative Mikee Romero ng 1-Pacman Party-list, Represetative Neil Abayon ng Aangat Tayo Party-list at ACT Teachers Party-list.

Inaasahan din na maghahain ng COC ang dating DSWD Usec. Isko Moreno na tatakbo sa kauna-unahang pagkakataon bilang alkalde ng Maynila.

Samantala, inaasahan din ang pagdagsa ng mga supporters ng mga kandidato.

 

 

 

 

Tags: , ,