Mga sasakyan na mag pa-park sa emergency bay, hahatakin ng MMDA

by Radyo La Verdad | June 7, 2016 (Tuesday) | 1191

mmda-logo
Hahatakin ng Metropolitan Manila Development Authority ang lahat ng mga sasakyan na mahuhuling nag pa-park sa mga emergency bay.

Nilinaw ng MMDA na ang mga emergency bay ay hindi parkingan kundi lugar para sa mga sasakyan na nasisiraan na kailangan ng maayos.

Lahat ng sasakyan ay binibigyan lamang ng dalawang oras ng MMDA na manatili sa emergency bay.

Inutusan naman ng MMDA ang mga towing company na huwag agad hahatakin ang mga sasakyan kundi alamin muna ang problema bakit sila nakapark sa emergency bay.

(Mon Jocson / UNTV Correspondent)

Tags: , ,