Mga responsable sa paglubog ng Filipino fishing boat sa Recto Bank, dapat mapanagot sa ilalim ng batas ng Pilipinas – Tindig Pilipinas

by Radyo La Verdad | June 22, 2019 (Saturday) | 4835

Nagprotesta sa Department of Foreign Affairs ang grupong Tindig Pilipinas upang manawagan sa pamahalaan na mabigyan ng hustisya ang nangyaring pagbangga ng Chinese vessel sa Filipino fishing boat malapit sa Recto Bank noong June 9.

Giit ng mga ito nalagay sa panganib ang buhay ng dalawamput dalawang Pilipino dahil sa paglubog ng kanilang bangka. Ayon sa grupo, nangyari ang ramming incident sa loob ng exclusive economic zone ng Pilipinas. Kaya dapat anila na mapanagot sa ilalim ng batas ng pilipinas ang mga may kagagawan nito.

Ayon naman kay Magdalo Party-list Rep. Gary Alejano, “Hindi lamang ito ngayon nangyari, nangyari  na ito before na kapag may nahuli tayong mga pouchers talagang hinihear natin dito sa Pilipinas hindi lamang hinihear kinukulong natin dito sa Pilipinas maraming beses na yan sa Scarborough sa Spratlys ginagawa natin ‘yan sa Palawan sa Subic ngayon ang sa atin pag ang imbistigasyon ang magiging joint o yung invistigation ay sa China magiging bias ‘yan segurado.”

Para kay Senate President Vicente Sotto the III, tama lang na may managot sa pangyayari. Ngunit hindi naman aniya makatuwiran na isisi sa goyerno ng China ang ramming incident.

 “It was not the government of China who did it  but a bunch of stupid, silly, no compassion group of fishermen. Hindi mo pwede sisihin ang isang bansa dahil sa kagaguhan ng isang dosenang mangingisda,” ayon kay Senate President  Vicente Sotto III.

Sa twitter post ni DFA Secretary Teddy Locsin Jr., ang malinaw na tinututukan aniya ng ahensya ay ang isyu sa pag-abandona sa mga mangingisdang Pilipino.

(Nel Maribojoc | UNTV News)

Tags: , ,