Mga residente sa isang resettlement site sa Zamboanga City, nababahala dahil sa mga substandard na housing unit

by Radyo La Verdad | February 21, 2018 (Wednesday) | 4017

Gumuho ang isa sa mga unit ng resettlement site sa barangay Tulungatong, Zamboanga City.

Matapos ang insidente, hindi na makatulog ng maayos ang mga residente sa ibang unit dahil sa pangambang bumagsak rin ang kanilang mga tinutuluyan. Ang ilan sa labas na ng bahay natutulog dahil sa takot.

Nananawagan ngayon ng tulong sa pamahalaan ang mga residente. Ang mga bahay na ito ay itinayo para sa mga biktima ng Zamboanga siege noong 2013.

Pinaimbestigahan na ng lokal na pamahalaan ang umano’y mga substandard na housing unit.

 

( Dante Amento / UNTV Correspondent )

 

 

Tags: , ,