Idinadaing na ng libu-libong residente ang sira-sirang kalsada sa apat na baranggay sa bulubunduking bahagi ng Uson, Masbate.
Delikado para sa mga bumibiyahe sa Baranggay Simawa, Centro San Jose at Madao ang maputik at mabatong mga kalsada lalo’t may mga malalalim na bangin sa lugar.
Apektado din ang pamumuhay ng mga magsasaka dahil hindi maibiyahe ang kanilang ani kapag maulan.
Pahirapan din ang paglalakbay kapag may residente na kailangang isugod sa ospital.
Hiling ng mga residente na sana ay makumpuni na ang kanilang kalsada upang hindi na sila mahirapan.
(Gerry Galicia / UNTV Correspondent)
Tags: Mga residente ng apat na barangay sa Masbate, nanawagan ng agarang pag-aayos sa mga sira nilang kalsada
The Philippine Broadcast Hub
UNTV, 915 Barangay Philam, EDSA, Quezon City M.M. 1104
Radyo La Verdad © All Rights Reserved 2019
+632 8 442 6254 | Monday – Friday, 8AM – 5PM | info@radyolaverdad.com