Mga residente, inihahanda sa posibleng pagtaas pa ng aktibidad ng Mt. Kanlaon

by Radyo La Verdad | November 20, 2017 (Monday) | 6879

Mahigpit na binabantayan ngayon ng Negros Occidental Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council ang aktibidad ng Buklang Kanlaon matapos itong ilagay ng DOST-PHIVOLCS sa alert level 2.

Ibig sabihin, nasa moderate level of unrest ang bulkan at posibleng magbuga ito ng magma or magmatic eruption anomang oras.

Kaya mahigpit na ipinagbabawal sa mga tao ang pumasok sa 4 kilometrer radius permanent danger zone dahil sa posibleng pagbuga ng bulkan ng lava. Ipinagbabawal din ng Civil Aviation Authority ang paglipad ng eroplano malapit sa bulkan.

Nagsagawa na ng emergency response committee meeting for Mt. Kanlaon ang Disaster Management Program Division. Nakahanda na rin ang contigency plan at evacuation center sakaling pumutok ang bulkan.

Tiniyak naman ni Negros Occidental Governor Alfredo Maranon na bente kuwatro oras na babantayan ng mga otoridad ang bulkan upang agad maalerto ang mga residente.

Noong Biyernes, sinuspindi ng DepEd ang pasok sa elementary at high school sa bayan ng La Castellana dahil sa mabahong amoy ng sulfur.

Matatandaan noong Marso nakaraang taon pumutok ng mahigit sampung minuto ang naturang bulkan at bumuga ng mga bola ng apoy ngunit wala namang naitalang nasawi.

Pinapayuhan ng lokal na pamahalaan ang mga residente malapit sa bulkan na maging mahinahon at sumunod lagi sa abisong kanilang inilalabas upang maiwasan ang mga sakuna.

 

( Lalaine Moreno / UNTV Correspondent )

Tags: , ,