Pinangangambahan ni Solictor General Jose Calida ang magiging epekto sa morale ng mga pulis ng gagawing pagpapatawag ni Sen. Leila de Lima ng imbestigasyon sa dumaraming bilang ng mga napapatay na drug suspects sa mga police operations.
Sinabi ng Solictor General, maaring panghinaan na ng loob ang mga ito sa ginagawang pagtugis sa mga sangkot sa illegal drug operations.
“In effect it dumpen’s the morale of our men in uniform, they are risking their lives and here comes the senator who is base on speculation, maligning the good name in reputation of the police officer who their lives on the line.” Pahayag ni Calida.
Bunsod nito, pinag-aaralan ng SolGen ang isasampang kaso laban sa senador
Tiniyak din ni Calida na handa niyang ipagtanggol ang mga kawani ng Philippine National Police.
(Lea Ylagan/UNTV Radio)