Mga poultry raiser, tutol na bawasan ang farm gate price ng manok

by monaliza | March 27, 2015 (Friday) | 790

manok-at-baboy
Tutol ang mga poultry raiser sa isinusulong ng Department of Agriculture na tapyasan ang farm gate price ng manok.

Ipinahayag ni Agricultural Sector Alliance of the Philippines (AGAP) Party-list Rep. Nicanor Briones na lugi sila sa isinusulong na farm gate price ng D-A.

Una nang ipinag-utos ng D-A na ibaba ng 30 ang farm gate price ng manok dahil sa pagdami ng suplay nito sa merkado.

Batay sa datos, tumaas ang suplay ng manok sa 178 milyong kilo noong 2014, mula sa 139 milyon noong 2013.