Mga police operations ipakikita sa media ayon sa incoming Chief PNP

by Radyo La Verdad | June 16, 2016 (Thursday) | 959

PNP
Bubuksan sa media ang mga operasyong gagawin ng Philippine National Police sa ilalim ng pamumuno ni incoming Philippine National Police Chief Ronald ‘Bato’ dela Rosa.

Ito ay para aniya patunayan na lehitimo ang kanilang mga operasyon at hindi magsasagawa ng summary execution sa mga hinihinalang sangkot sa krimen.

Aminado si Dela Rosa na kailangan niya ng media para malinaw na maiparating sa publiko at sa masasamang loob ang hakbang ng administration kontra kriminalidad.

(UNTV RADIO)

Tags: ,