Mga pinauwing Diplomat, pinababalik na ni Sec. Locsin sa Canada

by Radyo La Verdad | June 1, 2019 (Saturday) | 7140

METRO MANILA, Philippines – Ngayong tiyak nang maibabalik ang mga basura ng Canada na iligal na inangkat sa Pilipinas noong 2013 at 2014. Pinababalik na rin ni Foreign Affairs Secretary Teddy Locsin ang mga diplomat na pina-recall nito.

Matatandaang inutusan ng kalihim ang Philippine Ambassador at Consuls sa Canada na umuwi muna ng Pilipinas matapos na pumalya ang Canadian Government na kunin ang Canadian waste sa taning na ibinigay ni Pangulong Rodrigo Duterte na May 15.

Sa kaniyang Tweet, sinabi ni Locsin na pinaghahanda na ang Philippine Diplomatic Posts sa kanilang biyahe pabalik ng North American Country.

Nagpasalamat at humingi rin ng paumanhin ang kalihim sa pinagdaanang aberya ng mga diplomat upang bigyang-diin ang punto ng Philippine Government hinggil sa Canadian trash.

Matatandaang nagalit ang Pangulo dahil sa tila hindi pagiging seryoso ng Canada na maalis ang kanilang basura sa ating bansa.

Winelcome naman sa Malacañang ang pagbawi ng Canada sa kanilang basura.

Umaasa rin ang Palasyo na babalik na sa normal ang diplomatic relations ng Pilipinas at Canada dahil dito.

“Hopefully ganun, kasi that triggered the disruptive relations . ‘Yun lang naman ang naging dahilan,” ani Presidential Spokesperson and Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo.

Pero hindi lang ang Pilipinas ang nagrereklamo na ginagawang dumping site ng ibang bansa.

Kamakailan, ipinabalik din ng Malaysia ang ilang shipment ng basura sa mga pinanggalingang bansa nito.

“For rich countries to send their waste to poor countries, simply because poor countries have no choice, maybe it’s contributed a little to their economy, but this and this plastic waste to malaysia, we cannot accept that kind of idea that waste from rich countries should be sent to the poor countries. We don’t need your waste because our own waste is enough to give us problems.”Pahayag ni Malaysian Prime Minister Mahathir Mohamad.

(Rosalie Coz | UNTV News)

Tags: , ,