METRO MANILA – Bumaba sa 7.9 Million ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho ayon sa pinaka huling survey ng Social Weather Stations (SWS).
Lumabas sa resulta ng survey na isinagawa noong September 28 hanggang October 1, na bumaba sa 16.9% ang adult joblessness, 5.8% ito na mas mababa kaysa sa 22.8% noong June 2023 o humigit-kumulang 10.3 Million adults.
Ang mga walang trabaho ay binubuo ng mga boluntaryong umalis sa trabaho, naghahanap ng trabaho sa unang pagkakataon, nawalan ng trabaho dahil sa economic circumstances o natanggal sa trabaho.
Tags: Pilipino, SWS, Unemployed