Mga PDEA official na daldalhin sa BOC, pinangalanan na ni Customs Comm. Lapeña

by Radyo La Verdad | September 6, 2017 (Wednesday) | 1356

Kinumpirma na ni Customs Commissioner Isidro Lapeña na hiniling niya kay Pangulong Rodrigo Duterte na makatulong sa planong reporma sa BOC ang ilang pinagkakatiwalaang opisyal mula sa PDEA.

Sa ngayon ay hindi pa alam ng BOC chief kung ilang PDEA officials ang dadalhin nya sa kawaniihan. Nag- isyu na rin ng Memorandum Order #14-2017 si Commissioner Lapeña para sa pagbuwag ng BOC Command Center.

Aniya sa apat na araw niya sa pwesto, nakita niya ang kakulangan nito sa pagtugon sa mga kahina- hinala o kwestyonableng kargamento, gaya na lamang ng natanggap nilang impormasyon sa isang pantalan sa Cagayan de Oro.

Sa sistema ng command center, ang opisina ng commissioner lang ang maaaring mag- isyu ng alert order. Kaya naman binibigyan na rin niya ng karapatan maging ang mga deputy commissioner ng intelligence at enforcement group at district collectors sa buong bansa sa pag-iisyu ng alert orders.

 

(Aiko Miguel / UNTV Correspondent)

Tags: , ,