Mga pasahero, nagsipagdagsaan na sa Batangas Port

by dennis | April 1, 2015 (Wednesday) | 1054

pasahero-sa-batangas-port

Dinagsa na ng mahigit 80,000 pasahero ang Batangas Port matapos ilunsad ang Oplan Ligtas Biyahe noong Biyernes.

Ngayong araw na ang huling pasok sa opisina kaya naman inaasahan na lalong dadagsain ng mga pasahero ang Batangas Port.

Mayroong pa ring biyahe bukas ang nasabing pantalan at may ilan-ilang barko din na maglalayag sa araw ng Biyernes ayon sa Philippine Coast Guard (PCG).

Pinaghahandaan na rin ngayon ng Coast Guard ang mga pasaherong magsisipagbalikan mula sa mga lalawigan sa araw ng Linggo, Abril 5.