Mga pamilyang nakatira sa coastal area sa Baler, Aurora, sinisimulan na ring ilipat sa relocation site

by Radyo La Verdad | November 2, 2018 (Friday) | 2914

Sinisimulan na rin ng lokal na pamahalaan ng Baler, Aurora na ilipat sa mas ligtas na lugar ang mga pamilyang nasa mga danger zone tulad ng ilang mga nasa coastal area.

Ayon sa Local Disaster Risk Reduction and Management Office, matagal na nila itong plano ngunit ang ilan sa mga pamilya ay tumatangging lumipat ng tirahan dahil sa kanilang mga hanapbuhay.

Ang mga residente sa coastal area sa Baler, Aurora ang madalas na pinalilikas tuwing may bagyo dahil sa banta ng storm surge tulad na lamang ng nakalipas na Bagyong Ompong at Rosita.

Share and Enjoy !

0Shares
0 0

Tags: , ,