Mga pamilya ng mga biktima ng landslide sa Itogon Benguet, kinuhanan ng DNA sample

by Radyo La Verdad | September 27, 2018 (Thursday) | 15554

Nasa tatlumpong indibiduwal pa ang nasa DSWD training center sa Baguio City kahapon ang naghihintay at nagbabakasakaling mahukay pa ang kanilang mahal sa buhay na kabilang sa nawawala matapos ang pananalasa ng Bagyong Ompong, isang linggo na ang nakararaan.

Sinimulan na kahapon ang pagkuha ng DNA samples sa mga kaanak ng mga biktima ng landside sa Ucab Itogon, Benguet para sa mas mabilis na pag-claim sa mga mare-retrieved na mga bangkay. Dalawang katawan ang nahukay ng mga rescuers kahapon.

Pinoproseso na rin ng DSWD Cordillera ang burial assistance o tulong para sa mga kaanak ng mga nawawalang indibiduwal. Sinabi rin ni Regional Director Ruben Carandang na no sign of life na ang ground zero.

Kaya naman nirekomenda na ang search and retrieval operation ang isinasagawa simula kahapon.

Sa tala ng Cordillera Disaster Risk Reduction Management Council, as of 2pm kahapon ay umabot na sa 111 ang nasawi sa buong Cordillera Region.

91 sa lalawigan ng Benguet, kung saan 85 dito ay mula sa Barangay Ucab sa bayan ng Itogon, habang 24 pa ang nawawala sa buong rehiyon.

 

( Grace Doctolero / UNTV Correspondent )

Tags: , ,