Mga pamilya at kaibigan ni VP Binay, nagtipon tipon sa Brgy. Pembo, Makati upang magbigay suporta sa pangalawang Pangulo

by Radyo La Verdad | August 20, 2015 (Thursday) | 1267

BINAY FAMILY
Ngayon ang ika-isang taon ng pag-iimbestiga ng Senado sa mga umano’y anomalyang kinasasangkutan ng pamilya Binay.

Kasabay nito ay nagtipon-tipon sa Brgy. Pembo, Makati ang mga taga supporta ng pamilya, dinaluhan ito ni Vice President Jejomar Binay, Senador Nancy Binay, suspended Mayor Junjun Binay, at Representative Abigail Binay.

Karamihan ng mga taga suporta ng pamilya ay nagsuot ng puting tshirt na may tatak Binay.

Pagkatapos nito, nagbigay ng mensahe ang Bise Presidente.

Dito, ikwenento ng Bise Presidente ang kanyang mga mithiin sa buhay

Pinagmalaki ng Bise Presidente ang pagkakaroon ng maayos na ospital at mga paaralan at pagbibigay ng mas maayos na tugon sa mga senior citizen. maging ang city hall na inimbestigahan sa Senado, pinagmalaki rin ni Binay at tinawag na world class.

Sinabi rin ng Bise Presidente na sa pamumuno ng kanyang anak na si suspended Mayor Junjun, maaaring magkaroon ng bagong ospital sa Makati City.

Muli rin inihayag ng Bise Presidente na pawang kasinungalingan ang mga ibinabato sa kanyang pamilya.( Darlene Basingan /UNTV News)

Tags: , , ,