Mga opisyal at empleyado ng mga LGU at PNP, nagtala ng pinakamaraming kaso ng katiwalian – Ombudsman

by monaliza | March 30, 2015 (Monday) | 1853

Slide1

Mula taong 2014, nanguna sa may pinakamaraming reklamong naisampa sa Office of the Ombudsman ang mga opisyal at empleyado ng mga local government unit (LGUs) at Philippine National Police (PNP).

Batay sa datos na isinumite ng Finance and Management Information Office ng Ombudsman, mayroong mahigit 2,000 reklamo ang natanggap nila laban sa mga opisyal ng local government units habang 1,258 na kaso naman ang laban sa PNP personnel

Ngunit ayon din sa datos ng Ombudsman, ang bilang na ito ay mas mababa kumpara sa naitala noong 2011 kung saan 3,000 reklamo ang naihain laban sa LGUs at 1,700 naman laban sa mga PNP personnel.

Napabilang naman sa unang pagkakataon sa top ten na nakatanggap ng pinamaraming reklamo ang Local Water Utilities Administration (LWUA) na may mahigit 400, ang Department of Transportation and Communications (DOTC) na may 103, at Department of Public Works and Highways na may 63 reklamo.

Napasama rin sa listahan ang Armed Forces of the Philippines, Department of Education, Department of Environment and Natural Resources, Bureau of Customs at Department of Agragian Reform.

Sa office of the Ombudsman isinasampa ang mga reklamo laban sa opisyal ng mga ahensya at departamento ng gobyerno na may kinalaman sa kurapsyon at katiwalian.(Joyce Balancio/UNTV Correspondent)

Tags: