Makakaasa ng mas maayos at ligtas na lugar-paggawa ang mga manggagawang Pilipino sa Qatar matapos aprubahan ng Qatar Government ang batas na maglalaan ng pondo para sa mga manggagawa.
Nakasaad sa bagong batas na pinamagatang Workers’ Support and Insurance Fund na gagamitin ang nakalaang pondo bilang pambayad sa mga benepisyo ng manggagawa.
Ayon sa pagpapasiya ng Dispute Resolution Committee; pangangasiwa sa pag-uwi ng manggagawa sa kaniyang sariling bansa; pambayad sa benepisyong-pinansiyal sa pagtatapos ng kanilang service contract at pagbibigay ng maayos na matutuluyan at iba pang pangangailangan.
Sakop ng batas ang mga manggagawa sa pribadong sektor at mga kasambahay.
Tinatayang aabot sa dalawang daan at tatlumpung libo ang mga Pilipino na nasa Qatar at karamihan ay nagtatrabaho bilang kasambahay.