Mga nakasalamuha ng sanggol na nasawi sa Meningococcemia sa Batangas, hinahanap na ng task force ng DOH 4A

by Erika Endraca | October 8, 2019 (Tuesday) | 3072

BATANGAS, Philippines – Nakatutok ngayon ang task force ng Department of Health (DOH) Region4A sa paghahanap sa mga direktang nakasalamuha ng 4 na buwang gulang na sanggol na lalake na kumpirmadong nasawi dahil sa sakit na Meningococcemia sa Tuy Batangas.

Ayon kay Department of Health Calabarzon Director Eduardo Janairo kailangang mahanap ang mga ito upang agad na mabigyan ng antibiotic na  pPophylaxis upang huwag ng lumaganap ang sakit.

October 3 ng maadmit sa nasugbo hospital ang sanggol. Kinabukasan dinala na ang sanggol sa Sanlazaro Hospital kung saan ito binawian ng buhay.

Ang 53 anyos na babae sa Tanauan Batangas ang unang tinamaan ng sakit na Meninggococemia nuong September 22. Sinundan ito ng 1-year old na babae sa lian at 2-taong gulang na babae sa Nasugbo Batangas.

Ayon pa kay Dr Janairo hindi dapat magpanic ang publiko dahil direct contracting naman ang impeksiyon ng Meninggococemia at madaling iwasan.

(Sherwin Culubong | UNTV Batangas)

Tags: ,