Target ng Philippine National Police (PNP) na maging mapayapa at tahimik ang darating na halalan buwan ng Mayo.
Kaya naman sa probinsiya ng Batangas, tinutukan nila ang kanilang Oplan Balik Armas kung saan kusang isinusuko ng mga nagmamay-ari ng mga expired at hindi lisensyadong mga baril.
Sa tala ng Batangas Police, umakyat na sa 515 ang mga isinuko sa kanilang mga armas simula Enero ngayong taon at nasa dalawang libong mga loose firearms naman simula ng ito ay umpisahan noong Hulyo 2015. Karamihan sa mga nagmamay-ari nito ay mga pulitiko.
Ayon kay Batangas Provincial Director PSSupt. Edwin Quilates, ang mga loose firearms ang madalas gamitin sa mga krimen at ginagamit din ng mga tiwaling pulitiko para lang makaupo sa pwesto.
Bunsod nito, may panawagan ang PNP official sa mga tatakbong kandidato sa national at local midterm election sa susunod na taon.
Sa huli ay muling hinihikayat ng PNP ang mga nag-iingat pa ng mga loose firearms na isuko na nila ito upang makaiwas sila sa police operation.
( Sherwin Culubong / UNTV Correspondent )
The Philippine Broadcast Hub
UNTV, 915 Barangay Philam, EDSA, Quezon City M.M. 1104
Radyo La Verdad © All Rights Reserved 2019
+632 8 442 6254 | Monday – Friday, 8AM – 5PM | info@radyolaverdad.com