Mga murang produkto, ibinebenta ngayon sa DTI Suking Outlet sa QC

by Radyo La Verdad | September 18, 2018 (Tuesday) | 2736

Inilunsad ngayong umaga ng Department of Trade and Industry (DTI) ang “Tulong sa Bayan Suking Outlet” sa SB Park sa Barangay Commonwenwealth sa Quezon City ngayong umaga. Pinangunahan ito mismo ni DTI Sec. Ramon Lopez.

Layunin nito na matulungan ang ating mga kababayan na naapektuhan ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Makabibili dito ng mas mura ng mga gulay, de late at itlog. 120 piso ang halaga ng kada kilo ng manok.

Ang NFA rice ay mabibili sa halang 27 piso ang isang kilo.

Bukas ang DTI Suking Outlet mula alas syete ng umaga hanggang alas dos ng hapon.

Mananatili ang rolling store ng DTI sa Quezon City hanggang bukas.

Tags: , ,