Mga motoristang lalabag sa batas trapiko, inumpisahan ng tikitan ng PNP-Highway Patrol Group ngayong araw

by Radyo La Verdad | September 14, 2015 (Monday) | 2064

HPG
Simula ngayong araw mag-iisue na ng traffic violation receipt ang PNP-Highway Patrol Group sa mga motoristang lalabag sa batas trapiko

Traffic violation receipt mula sa Land Transportation Office ang i-isyu ng mga tauhan ng Highway Patrol Group

Ang Joint Administrative Order na nagpapataw ng mas mataas na multa sa mga motorista ang susundin ng HPG nataliwas sa sinusunod ng MMDA sa pag-iisyu ng ticket

Bukod dito nagdagdag pa ng 170 na tauhan mula sa ibang region ang PNP-HPG sa anim na choke point sa buong kahabaan ng Edsa na makatutulong sa pagmamando ng trapiko

Ipinasara ng HPG ang u-turn slot malapit sa MRT North Avenue Station at SM North, ito ang dahilan kung bakit umiikot pa ng malayo ang ilang sasakyan

Umani naman ng batikos ang adjustment ng HPG sa mga u-turn slot sa Edsa

Ayon sa HPG, oobserbahan nito sa loob ng isang linggo kung epektibo ang paglipat nito sa mga u-turn slot

Hinikayat naman ng HPG ang mga motorista na kung maaari ay dumaan sa mga alternatibong ruta upang mas mabilis na makarating sa kanilang destinasyon.

Isa sa mga alternatibong ruta ay ang mabuhay lanes na binuo ng MMDA ilang taon na ang nakakaraan. (Mon Jocson / UNTV News)

Tags: