Hindi makikialam sa preparasyon ng barangay at sangguniang kabataan elections si COMELEC Commissioner Rowena Guanzon pati sina Commissioner Christian Robert Lim at Luie Tito Guia na pawang mga miyembro ng COMELEC 1st Division.
Ayon kay Guanzon tututukan na lamang nila ang pagresolba sa mga nakabinbing kaso sa kanila.
Nilanaw naman nito na makikibahagi pa rin sila sa en banc sessions kasama na ang pagboto sa mga isyu kaugnay sa darating na halalan gaya ng pag-apruba sa mga kailangan bilhing kagamitan.
(UNTV RADIO)
Tags: COMELEC 1st Division
The Philippine Broadcast Hub
UNTV, 915 Barangay Philam, EDSA, Quezon City M.M. 1104
Radyo La Verdad © All Rights Reserved 2019
+632 8 442 6254 | Monday – Friday, 8AM – 5PM | info@radyolaverdad.com