Mga mall sa bansa, patuloy na iniinspeksyon kung nakasusunod sa health protocols – PNP SOSIA

by Erika Endraca | December 25, 2020 (Friday) | 944

METRO MANILA – Tuloy ang isinasagawang inspection ng Philippine National Police Supervisory Office for Security and Investigation Agency (PNP SOSIA) sa mga mall sa bansa.

Ayon kay PNP SOSIA Director PBGen. Sydney Villaflor, nais nilang masiguro na nasusunod ang ipinatutupad na safety guidelines ng Inter-agency Task Force.

Sa gitna na rin ng panganib na magkaroon ng Covid-19 holiday surge.

“The SOSIA personnel are regularly conducting red teaming operation , ang definition po ng red team ay maghanap ng fault, maghanap ng mga violations sa IATF guidelines” ani PNP SOSIA Director PBGen. Sydney Villaflor.

Simula noong Dec.5, nasa 55 operasyon na ang isinagawang ng SOSIA sa nasa mahigit 100 malls sa bansa.

691 security guard post ang kanilang napuntahan kung saan 968 na security guard ang sumailalim sa inspection.

Kabilang sa tinitingnan nila sa isang establisyimento ay kung hindi siksikan ang tao. Dapat ay mayroong foot bath o foot disinfectant mats sa mga entrance, dapat ay mayroong alcohol o hand sanitizer, dapat na kinukuha ng guard ang temperature ng mga pumapasok, mayroong physical distancing… nakasuot ng facemask at face shield .

Magkahiwalay ang entrance ay exit ng mall, walang wifi at nasa 26 degree lamang ang temperatura ng aircon upang hindi mahikayat na mag over stay ang isang mamimili.

“Chini-check po namin yung mga security guard, security operators kung religiously iniimplement nila yung nairelay sa kanila na iatf guidelines,l na dapat din ay pina iimplement ng mga mall managers” ani PNP SOSIA Director PBGen. Sydney Villaflor.

Pinaaalalahanan din nila ang mga security guard na maging alerto upang maiwasan ang pananamantala ng mga masasamang loob.

Sakali naman aniyang makitaan ng paglabag sa ano mang guidelines ng IATF ang isang establisyimento, dapat na magpaliwanag ang mall manager at head security sa PNP SOSIA.

(Lea Ylagan | UNTV News)

Share and Enjoy !

0Shares
0 0

Tags: , ,