Mga magulang ng mga batang nabakunahan ng Dengvaxia, sumugod sa DOH

by Radyo La Verdad | February 8, 2018 (Thursday) | 1948

Nababahala ang mga magulang na may mga anak na nabakunahan ng Dengvaxia na tinatanggihan umano sila ng mga health center at ospital tuwing nais nilang ipagamot ang kanilang mga anak.

Kaya naman sumugod sila sa tanggapan ng Department of Health upang humingi ng proteksyon at medical assistance.

Nakadadagdag pa anila sa kanilang isipin ang magkakaiba at magkakasalungat na pahayag ng mga eksperto kaugnay sa Dengvaxia issue. Hinarap naman ng opisyal ng DOH ang mga magulang.

Ayon kay Asst. Sec Maria Francia Laxamana, hindi sila dapat tinatanggihan sa mga centers at pagamutan dahil may direktiba na si Health Secretary Francisco Duque III sa lahat ng ospital na asikasuhin ang mga batang nabakunahan ng Dengvaxia kung sila ay nangangailangan ng atensyong medikal.

Nilinaw din ng DOH na libre ang gamutan sa mga nabakunahan ng Dengvaxia. Bukod sa Philheath coverage, may nakalaang pondo ang DOH para sa medical assistance.

Ipinaalala rin ng DOH sa mga magulang na kailangan nilang kumuha ng immunization card para sa kanilang mga anak.

 

( Aiko Miguel / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,