Mga lugar na nasalanta ni bagyong Urduja sa Visayas planong bisitahin ni Pangulong Rodrigo Duterte

by Radyo La Verdad | December 18, 2017 (Monday) | 2158

Nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na makitang personal ang naging pinsala ni bagyong Urduja sa  bansa. Partikular na rito ang Visayas region kung saan ilang beses na nag-landfall ang bagyo.

Kaya naman sa kaniyang talumpati sa 7th year LGBT Davao Year-End Gathering sa Azuela Coven, Davao City. Sinabi ng Pangulo na magtutungo siya sa Visayas upang bisitahin ang mga apektadong lugar.

Kabilang na ang Samar at Leyte na nagtamo ng malaking pinsala dahil sa bagyo. Pagkagaling sa Davao ay tumungo si  Pangulong Duterte sa General Santos City para dumalo sa kaarawan ni Sen. Manny Pacquiao.

Pagkatapos nito ay inaasahang tutungo na ang punong ehekutibo sa Visayas region para sa damage assessment.

 

( Dianne Ventura / UNTV Correspondent )

Tags: , ,