Mga kumpanya ng langis, nagpatupad ng oil price hike

by monaliza | March 30, 2015 (Monday) | 1408

rollback

Nagpatupad ng dagdag-presyo ang ilang kumpanya ng langis sa kanilang produktong petrolyo ngayong Martes, Marso 31.

Inanunsyo ng Shell, Seaoil, at Flying-V na magpapatupad sila ng dagdag na P1.10 kada litro sa presyo ng gasolina, epektibo kaninang alas-12:01 ng madaling araw.

P0.60 kada litro naman ang dagdag sa diesel at P0.80 sa kerosene.

Mamayang alas-6:00 ng umaga naman magiging epektibo ang taas-presyo ng Phoenix Petroleum PTT at Petron sa gasolina at diesel sa kaparehong halaga subalit may P0.80 umento sa presyo ng kerosene ang Petron.

Tags: , , ,