Mga kumpanya ng langis, may rollback sa presyo ng produktong petrolyo ngayong araw

by Radyo La Verdad | December 29, 2015 (Tuesday) | 1169

ITEM_PETRON
Nagpatupad ng rollback sa presyo ng produktong petrolyo ang ilang kumpanya ng langis bago matapos ang taong 2015.

Epektibo kaninang alas dose uno, nagtapyas ang Sea Oil, Petron at Flying V ng animnapung sentimo sa kada litro ng gasolina, dalawampung sentimo sa diesel at apatnapung sentimo sa bawat litro ng kerosene.

Alas sais naman ng umaga sumunod na nagrollback sa kaparehong halaga ang Shell, Phoenix Petroleum, PTT at Total.

Samantala, nauna namang nagpatupad ng rollback kagabi ang Eastern Petrolium.

Dalawampung sentimo ang ibinawas nito sa presyo ng diesel at animnapung sentimo naman sa kada litro ng gasolina.

Tags: , , , ,