Mga kongresista, nagkasundong ipagpaliban ang barangay at SK elections

by Radyo La Verdad | August 8, 2017 (Tuesday) | 1795

Nagkasundo ang mga kongresista sa isinagawang all party caucus kahapon na ipagpaliban ang barangay at Sangguniang Kabataan elections na nakatakda ngayong October 2017.

Sa Mayo ng susunod na taon ang target ng mga ito na maisagawa ang eleksyon kasabay ng gagawing plebecito para sa Charter change.

Subalit ayon sa mga kongresista, aantabayanan pa nila kung ano naman ang magiging pasya ng mayorya ng mga senador sa isyu at dadaan pa ito sa legislative process bago tuluyang maipatupad.

Pansamantala ring mananatili sa posisyon ang mga nakaupong barangay officials.

 

Tags: , ,